|
||||||||
|
||
Sa awtorisasyon ng Ministring Panlabas ng Tsina, isinapubliko ngayong araw ang "Position Paper" ng Pamahalaang Tsino hinggil sa South China Sea (SCS) arbitration na isinumite ng Pilipinas. Sa dokumentong ito, inulit ang solemnang paninindigan ng Tsina na hindi nito tatanggapin ang resulta ng arbitrasyon at hindi rin ito lalahok sa nasabing proseso. Ayon pa sa nasabing dokumento, sa anggulong pambatas, walang karapatan ang arbitration tribunal na pangasiwaan ang isyu hinggil sa SCS.
Noong ika-22 ng Enero 2013, unilateral na iniharap ng Pilipinas ang arbitrasyon hinggil sa isyu ng South China Sea sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Paulit-ulit na tinutulan ng Tsina ang lantarang pagpapasulong ng Pilipinas sa proseso ng arbitrasyon, ayon pa sa dokumento.
Tinukoy din nitong ang paglutas sa hidwaan ng Tsina at Pilipinas sa South China Sea, sa pamamagitan ng talastasan ay komong palagay na narating sa bilateral na dokumento ng dalawang bansa at "Declaration on Conduct of Parties in the South China Sea." Ang unilateral na pagsusumite ng Pilipinas ng kinauukulang hidwaan sa arbitrasyon ay lumabag sa pandaigdigang batas, dagdag pa ng nasabing position paper.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |