Kaugnay ng ulat na ipinalabas kamakailan ng Kagawaran ng Estado ng Amerika hinggil sa South China Sea, tinukoy ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga nilalaman ng ulat na ito ay taliwas sa katotohanan at pandaigdig na batas. Hinimok din niya ang Amerika na maging makatwiran sa isyu ng South China Sea.
Sinabi ni Hong na ang soberanya ng Tsina sa South China Sea ay unti-unting nabuo sa kasaysayan, at iginigiit ito ng lahat ng nagdaan at kasalukuyang pamahalaan ng Tsina. Dagdag pa niya, naninindigan ang Tsina na batay sa katotohanang pangkasaysayan at pandaigdig na batas, isasagawa ng Tsina at mga bansang may direktang kinalalaman sa isyu ng South China Sea ang talastasan at pagsasanggunian, para lutasin ang mga hidwaan.
Salin: Liu Kai