|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ng isang opisyal ng departamentong panseguridad ng Ehipto na sa aksyong isinagawa nang araw ring iyon ng panig militar sa North Sinai, 6 na ekstrimista ang napatay at 11 iba pa ang nadakip.
Ayon sa naturang opisyal, ang nasabing 6 na napatay ay kumpirmadong miyembro ng Ansar Bayt al-Maqdis (Worriers of Jerusalem) — isang radikal na organisasyon. Bukod dito, nasamsam din ng panig militar ang maraming sandata.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |