Matapos kahapon ang China-ASEAN Culture Exchange Year. Idinaos ng Tsina at Myanmar, kasalukuyang Tagapangulong Bansa ng ASEAN, ang maringal na seremonya ng pagpipinid sa Nay Pyi Daw na nagpapakita ng malaking bunga ng pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Mula noong Abril ng taong ito, magkasamang inihandog ng Tsina at mga bansang ASEAN ang China-ASEAN Culture Forum, Linggo ng Pelikula, China-ASEAN International Touring Assembly(CAITA) at iba pang mahigit 100 makulay na aktibidad na sumasaklaw ng pagsasanay at pagpapalitan ng personahe, pelikula, paglalathala, palakasan, turismo, relihiyon at iba pang aspekto.