|
||||||||
|
||
Dumalo kahapon (local time) si Pangalawang Premyer Wang Yang ng Tsina sa aktibidad hinggil sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng mga lunsod ng Tsina at Estados Unidos. Iminungkahi niya na dapat magkasamang magsikap ang panig Tsino at Amerikano para patuloy na mapasulong ang ganitong kooperasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ng panig Amerikano na ang pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng mga lunsod ng Tsina at Estados Unidos ay nakakatulong sa pag-unlad ng dalawang bansa, at nakakapagpataas ng kalidad ng pamumuhay ng kanilang mga mamamayan.
Dumalo sa naturang aktibidad ang mahigit 200 kinatawan ng pamahalaang lokal at bahay-kalakal mula sa Beijing, Shanghai, Tianjin, Shenyang, Hangzhou, Qingdao, Wuhan, Chengdu, at Chicago ng Amerika.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |