Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Public Attorney's Office, dumalaw sa Correctional Institute for Women

(GMT+08:00) 2014-12-19 19:05:52       CRI

Umabot sa higit sa 2,300 mga babaeng bilanggo ang pinaglingkuran ng Public Attorney's Office sa pamumuno ni Atty. Persida V. Rueda-Acosta kaninang umaga.  Bukod sa pagnbibigay ng payong legal, nagsagawa rin sila ng medical at dental services sa mga bilanggo.  Makikita sa larawan si Atty. Acosta (naka pulang jacket) na nagbibigay ng mga gamot sa mga bilanggo.  (Rey Espanola/PAO)

HIGIT sa 2,300 mga babaeng bilanggo ang nakinabang sa paglilingkod ng mga abogado, duktor at dentista mula sa Public Attorney's Office sa pamumuno ni Atty. Persida V. Rueda-Acosta kaninang umaga.

Kasama si Deputy Chief Public Attorney Silvestre Mosing at may 20 mga abogado na nakinig at dumalo sa mga bilanggong naghihintay na malakaya sa pamamagitan ng Board of Pardons and Parole, isang ahensya sa ilalim ng Kagawaran ng Katarungan.

Umabot sa higit sa 2,300 mga babaeng bilanggo ang pinaglingkuran ng Public Attorney's Office sa pamumuno ni Atty. Persida V. Rueda-Acosta kaninang umaga.  Bukod sa pagnbibigay ng payong legal, nagsagawa rin sila ng medical at dental services sa mga bilanggo.  Makikita sa larawan si Atty. Acosta (naka pulang jacket) na nagbibigay ng mga gamot sa mga bilanggo.  (Rey Espanola/PAO)

Sa mga isinagawang medical at dental consultations, nabigyan din ng mga over-the-counter at maintenance drugs and mga bilanggo. Karaniwang karamdaman ay ang high blood at diabetes. Mayroon ding mga nangangailangan ng bitamina.

Ani Atty. Acosta, karaniwang nilang ginagawa ito upang mabatid ang mga pangangailangan ng mga bilanggo bukod sa payong legal. Nararapat ding daluhan ang kanilang mga pangangailangan sa kalusugan. Matapos ang kanilang pagdalaw sa Correctional Institute for Women, tumuloy ang grupo ni Atty. Acosta sa Mandaluyong City Jail.

Sa Lunes, nakatakda silang dumalaw at maglingkod sa mga bilanggo sa Marikina City Jail.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>