Sa isang protesta na ipinalabas kamakalawa ng Kambodya, mahigpit nilang kinondena ang mga sundalo ng Thailand sa pagbaril at pagpatay sa isang babae na Kambodyano. .
Ayon sa pahayagang Bangkok Post, limang babae na kinabibilangan ng isang ina at kanyang dalawang anak ang aksidenteng pumasok kamakailan sa loob ng teritoryo ng Thailand, mula purok-hanggahan malapit sa lalawigang Trapeang Tau ng Kambodya. Pinaputukan sila ng mga sundalo ng Thailand na nauwi sa pagkasawi ng nasabing 56 na taong-gulang na ina.