|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Alexander Lukashevich, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya ang pagkalungkot sa pagsasagawa ng Amerika ng ibayo pang sangsyon sa kanyang kanyang bansa.
Nilagdaan kahapon ni Pangulong Barack Obama ng Amerika ang Ukraine Freedom Support Act 2014 para magkaloob ng mas maraming tulong sa Ukraine at magsagawa ng sangsyon sa Rusya.
Sinabi ni Lukashevich na ang naturang batas ay isang probokasyon sa Rusya at ito rin ay nagpapakita ng hangarin ng Amerika sa pagpapatid ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Dagdag pa niyang isasagawa ng Rusya ang mga katugong hakbangin batay sa aktuwal na kalagayan ng pagsasakatuparan ng naturang batas.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na dahil kinakaharap ng Rusya ang mga bantang panlabas at mas masalimuot na kalagayang pandaigdig, buong sikap na ipagtanggol ng kanyang bansa ang sariling katiwasayan, at kabuuan ng soberanya.
Bukod dito, iniutos niya ang Ministri ng Tanggulang Bansa na itakda ang pambansang planong pandepensa mula taong 2016 hanggang 2020. Binigyang-diin niya na dapat isakatuparan ang lahat ng mga proyekto hinggil sa konstruksyong pandepensa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |