Idinaos kaninang umaga sa Macau ang mga seremonya ng pagdiriwang sa ika-15 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa Tsina at inagurasyon ng ika-4 na pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao. Si Chui Sai On ay nanumpa bilang Punong Ehektibo ng Macao.
Sa naturang seremonya, hinangaan ni Pangulong Tsino Xi Jinping ang mga natamong bunga ng Macao noong nakaraang 15 taon. Sinabi niya na ang patakarang isang bansa dalawang sistema ay mahalagang garantiyang sistematiko ng magandang kinabukasan ng Macao.
Kaugnay ng ng bagong pamahalaan ng Macao, iniharap ni Xi ang mga hangarin na kinabibilangan ng pangangasiwa sa mga suliranin batay sa saligang batas, pagpapataas ng kakayahang administratibo, pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad ng kabuhayan, pangangalaga sa harmonyang panlipunan, at pagpapasulong ng edukasyon.
Sinabi ni Xi na patuloy na kakatigan ng Pamahalaang Sentral ang gawain ng pamahalaan ng Macao. Umaasa aniya siyang magkakasamang magsikap ang Pamahalaang Tsino, Pamahalaan ng Macao at iba't ibang sektor ng lipunan ng Macao para isakatuparan ng mas magandang kinabukasan ng Macao.