Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pulong ng EEC at CSTO, idinaos

(GMT+08:00) 2014-12-24 15:58:48       CRI
Magkahiwalay na idinaos kahapon sa Moscow, Rusya, ang pulong ng Supreme Council ng Eurasian Economic Commission (EEC), at pulong ng Konseho ng Collective Security Treaty Organization (CSTO). Lumahok sa dalawang pulong na ito ang mga lider ng Rusya, Belarus, Kazakhstan, Armenia, Kyrgyzstan, at Tajikistan.

Sa pulong ng EEC, itinakda ng mga bansa ang time table hinggil sa pagtatatag ng mga nagkakaisang pamilihan ng iba't ibang produkto na gaya ng gamot, koryente, langis, at natural na gas, sa ilalim ng Eurasian Economic Union.

Sa pulong naman ng CSTO, ipinahayag ng mga bansa na dapat palakasin ang kanilang kolektibo at koordinadong aksyon, bilang tugon sa nagbabagong sistemang panseguridad ng daigdig. Tinalakay din nila ang hinggil sa pagtatatag ng mga sentro ng makataong tulong.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>