|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling pahayag ngayong araw ng Pamahalaan ng Shanghai, Tsina, 35 katao ang nasawi sa nangyaring stampede kagabi sa New Year's Eve celebration sa Bund area ng Shanghai. Samantala, 48 ang nasugatan.
Sa kasalukuyan, dalawa sa naturang mga nasugatan ay gumaling na at ang iba pa ay kasalukuyang pa ring nasa ospital.
Pagkatapos ng insidente ng stampede, agarang itinatag ng pamahalaan ng Shanghai ang working group para imbestigahan ang dahilan ng naturang insidente upang mapigilan ang pagkaganap ng katulad na pangyayari.
Bukod dito, inutusan din nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pamahalaan ng Shanghai na agarang lunasan ang mga nasugatan; isaayos ang mga gawain pagkatapos ng insdiente, para mapigilan ang pagkaganap muli ng katulad na trahedya at pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |