Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, pinasusulong ang pribadong bangkong nagtatampok sa online services

(GMT+08:00) 2015-01-06 15:48:57       CRI

Sa kanyang paglalakbay-suri kamakailan sa katimugan ng bansa, tumayong-saksi si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa pagpoproseso ng unang pautang ng WeBank, pribadong bangkong nagtatampok sa online services na pinamumuhunanan ng Tencent, isa sa mga Internet giant ng Tsina.

Ayon kay Zhao Xijun, Propesor sa pinansya ng Renmin University of China, ipinakikita nito ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Tsino sa pagpapaunlad ng mga pribadong bangko at online financial services.

Noong 2014, inaprubahan ng China Banking Regulatory Commission (CBRC) ang pagtatatag ng limang bagong pribadong bangko. Dalawa sa mga ito ay may puhunan ng Alibaba at Tencent, dalawang pangunahing Internet company ng Tsina, ayon sa pagkakasunod. Nauna rito, ang China Minsheng Bank ay nagsilbing siya tanging pribadong bangko ng bansa.

Noong 2014, sa kauna-unahang pagkakataon, mababasa sa working report ng Pamahalaang Tsino ang hinggil sa pagpapasulong ng online financial services.

Ayon sa pinakahuling datos, lumampas na sa 600 milyon ang bilang ng netizens ng Tsina. Katumbas ito ng halos kalahating populasyon ng bansa.

Sinabi ni Zhang Yuewen, mananaliksik ng Chinese Academy of Social Sciences na dahil sa bagong plataporma at bentahang panteknolohiya, mas maraming mamamayang Tsino sa kanayunan at maliliit at katamtamang laking bahay-kalakal ay makikinabang sa online financial services.

Gayunpaman, ang seguridad ay isa sa mga pangunahing hamon na kinakaharap ng Internet-focused banks. Ayon sa isang survey, noong 2013, halos umabot sa 150 bilyong Yuan ang kapinsalaang pinansyal online ng mga netizen. Ang pamimili online ay ang pangunahing dahilan ng nasabing kapinsalaan.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>