Isang batch ng materyal na pantulong ang ipinadala ngayong umaga ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina sa Malaysia para tulungan ang mga mamamayang Malay na apektado ng baha.
Sapul noong Disyembre, 2014, binabaha ang ilang lugar ng Malaysia. Sa kahilingan ng Ministri ng Depensa ng Malaysia, ang PLA ay naghanda ng tolda, generator, bomba ng tubig, kagamitang panlinis ng tubig at iba pa. Dalawang IL-76 aircraft na lulan ang nasabing mga materyal na pantulong ang lumipad ngayong umaga mula sa Beijing patungong Kuala Lumpur.
Salin: Jade