Nang sagutin kahapon sa Sudan ang tanong ng mamamahayag kung bakit mas aktibong namagitan kamakailan ang Tsina sa mga mainitang isyu ng daigdig, ipinahayag ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa mula't mula pa ang Tsina ay matatag na puwersa sa pangangalaga ng kapayapaan ng buong mundo.
Sinabi ni Wang na bilang pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC) at responsableng bansa, nakahanda ang Tsina na tugunin ang pag-asa ng komunidad ng daigdig at mga may kinalamang bansa, sa abot ng makakaya. Dagdag pa niya, patitingkarin ng Tsina ang konstruktibong papel na may katangiang Tsino, upang maayos na malutas ang iba't ibang umiiral na isyung panrehiyon at pandaigdig.
Salin: Vera