Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Garuda Indonesia, magkakaloob ng chartered flight para sa mga turistang Tsino

(GMT+08:00) 2015-01-16 15:53:09       CRI

Sinabi kamakailan ni Arif Wibowo, Presidente ng Garuda Indonesia, flag carrier ng Indonesia, na sa taong ito, mag-aalok ang kanyang kompanya ng mga chartered flight para sa mga turistang Tsino.

Aniya, ang nasabing desisyon ng Garuda ay para masamantala ang pamilihang Tsino na may 100 milyong potensyal na turista.

Sinabi niyang sa darating na Chinese New Year na matatapat sa Pebrero, magsasagawa ang Garuda Indonesia ng mga chartered flight mula sa mga pangunahing siyudad ng Tsina na gaya ng Nanjing, Chengdu, Chongqing, Ningbo, Kunming, papuntang Bali. Sa darating na Hunyo at Agusto kung kailan nagpapalipas ng summer vacation ang mga estudyanteng Tsino, magsasagawa rin ng chartered flight ang Garuda Indonesia mula Jinan, Harbin, Xi'an, Shenyang, Zhengzhou, papuntang Bali o Manado.

Sa kasalukuyan, mayroong direktang flight ang Garuda Indonesia mula Beijing, Shanghai at Guangzhou papuntang Jakarta, at mula Beijing papuntang Bali.

Salin:Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>