Ayon sa estadistika ng Adwana ng Tsina, sa kalagayan ng tuluy-tuloy na matumal na kapaligiran ng kabuhayang pandaigdig, noong nagdaang taon, umabot pa rin sa mahigit 102 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng bilateral na kalakalan ng Tsina at Malaysia, na bumaba ng 3.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Ayon sa estadistika, sa taong 2014, 46.36 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Tsina sa Malaysia, na lumaki ng 0.9% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. 55.66 bilyong dolyares naman ang kabuuang halaga ng pag-aangkat ng Tsina sa Malaysia, na bumaba ng 7.5%. Ang Malaysia ay nananatiling pinakamalaking trade partner ng Tsina sa ASEAN nitong nakalipas na 7 taong singkad.
Salin: Vera