Sa kanyang talumpati sa NHK tungkol sa planong paggunita sa ika-70 anibersaryo ng WWII, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na makikita sa naturang plano ang pahayag ng pamahalaang Hapones na magpapakita ng pag-iisip hinggil sa ika-70 anibersaryo matapos ang digmaan. Hindi aniya niya direktang sisipiin ang mga salita ng paghaharing kolonyal, pananalakay at pagpaumanhin na nasaad sa Murayama Statement na ipinalabas ni dating Punong Ministro Tomiichi Murayama sa katulad na ika-50 anibersaryo, noong 1995.
Ang nasabing pahayag ni Abe ay agarang pinuna ng ibat-ibang partidong pulitikal ng Hapon na kinabibilangan ng New Komeito Party, kaalyadong partido na nasa poder ng Liberal Democratic Party.