Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga Obispo, lumiham sa Commission on Elections

(GMT+08:00) 2015-01-26 18:52:55       CRI

BISHOP PABILLO NANAWAGAN SA COMMISSION ON ELECTIONS.  Ipinaliwanag ni Bishop Broderick Pabillo ng CBCP Office on Public Affairs ang kanilang hilam na ipinadala sa Commission on Elections upang huwag igawad ang kontrata sa Smartmatic, ang kontrobersyal na kumpanyang may hawak ng PCOS.  Kasama niya sa Tapatan sa Aristocrat sina Dr. Nelson Celis mula sa Philippine Computer Society (kaliwa) at dating Congressman Glenn Chong na nabiktima ng maneobra sa halalan.  (Melo M. Acuna)

HINILING ng 25 mga obispo at diocesan administrators sa Commission on Elections na huwag munang igawad ang kontratang nagkakalahaga ng P 300 milyong sa kontrobesyal na kumpanyang Smartmatic na isang ahente lamang ng dalawang kumpanyang nasa Canada at Tsina.

Sa kanilang isang pahinang liham na ipinarating sa tanggapan ni Comelec Chairman Sixto S. Brillantes, pinanindigan ng mga obispo ang pahayag ni Pope Francis sa pakikipag-usap kay Pangulong Aquino noong ika-16 ng Enero na kailangang ang mga namumuno sa politika ay mabantog sa kanilang katapatan, integridad at katapatan sa kabutihan ng madla.

Ipinaliwanag ni Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Office on Public Affairs na nahaharap na naman ang bansa sa isang pagsubok sa 2016 sa pagpili ng mga magiging pangulo, pangalawang pangulo, mga mambabatas at mga mamumuno sa pamahalaang-lokal.

Anang mga obispo, minadali ng Commission on Elections sa kanilang Resolution 9922 na ipinasa noong ika-23 ng Disyembre sa botong lima laban sa dalawa, ang paggagawad ng kontrata sa paboritong Smartmatic upang magsagawa bg oagsusuri at mumunting pag-aayos ng may 80,000 Precinct Counting Optical Scan machines.

Sa palatuntunang "Tapatan sa Aristocrat", sinabi ni Bishop Pabillo na nababahala sila na ang kontrata'y ibinigay sa isang kumpanyang may tanggapan sa Venequela sa bilyun-bilyong pisong halagang ibinayad ng pamahalaan. Taliwas sa mga papuri ng Comelec sa kanilang PCOS machines, pinuna ng Information Technology experts ng Pilipinas at iba pang mga grupo ang kaduda-dudang naganap noong 2010 at 2013 elections.

Nararapat lamang kilalanin ng Comelec ang nilalaman ng batas sa interes ng kalayaan, ayon pa sa mga obispo. Kabilang sa mga lumagda sina Arsobispo Jose Advincula, Obispo Joel Baylon ng Legazpi, Leopoldo Jaucian ng Bangued, Angelito Lampon ng Jolo, Jose Cabantan ng Malaybalay at Bernardino Corte ng Infanta.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>