Sesyong pangkabuhayan ng Tsina at Indonesia, idinaos
(GMT+08:00) 2015-01-27 11:55:17 CRI
Idinaos kahapon sa Beijing ang unang sesyon ng mataas na diyalogong pangkabuhayan ng Tsina at Indonesia. Magkasamang pinanguluhan ang pulong nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Sofyan A. Djalil, Ministrong Pangkabuhayan ng Indonesia. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa pagtupad sa komong palagay na narating ng mga kataas-taasang lider ng dalawang bansa at mga proyekto sa larangan ng kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan. Samantala, nilagdaan din ng dalawang panig ang mga dokumento, na gaya ng "Summary ng Unang Sesyon ng Tsina at Indonesia sa Mataas na Diyalogong Pangkabuhayan."
May Kinalamang Babasahin
Comments