Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lansangan ng pusa, pinasinayaan sa Xiamen

(GMT+08:00) 2015-01-29 15:13:53       CRI

Ang lansangang komersyal sa Ding'aozai, sa lunsod ng Xiamen ng Lalawigang Fujian sa dakong timog ng Tsina ay nagtatampok ng mga bagay na may kinalaman sa pusa.

Sinabi ni Guo Shaoting, puno sa social security sa lokalidad na sa lansangang ito, malalaman at mararanasan ng mga turista ang kaalaman na gaya ng pag-uugali at katangian ng mga pusa.

Sa kasalukuyan, saanman sa lansangan na tulad ng pader, poste ng ilaw, bintana ng mga restawran ay makikita ang makukulay na pusang kartun.

Napag-alamang ang lansangang Ding'aozai at ang Xiamen sa kabuuan ay masasabing paraiso ng iba't ibang uri ng pusa. Mayroon silang lahing lokal at dayuhan. Karamihan sa mga pusang may lahing dayuhan ay dinala sa Tsina ng mga overseas Chinese mula sa Timog-silangang Asya.

Kung super-fan kayo ng pusa at interesado kayo sa matanawing Xiamen, puwede kayong mag-eroplano mula sa Maynila.

Ang Xiamen Airlines o XiamenAir, na nakabase sa Fujian Province, ay maglulunsad ng Xiamen-Manila flights simula ika-8 ng Pebrero ng taong ito. May isang flight bawat araw sa rutang ito.

Kabilang sa ibang airline companies ng Tsina at Pilipinas na may direktang flight mula sa Xiamen patungong Maynila ay Philippine Airlines, Cebu Pacific at China Southern Airlines.

 (Litrato mula sa http://www.chinanews.com at http://www.mnw.cn)

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>