Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, nakiramay; ilang pamilya, 'di naantig

(GMT+08:00) 2015-01-30 18:32:57       CRI

BANDILA SA PNP GENERAL HEADQUARTERS, NAKA-HALF MAST.  Ang bandila ng Pilipinas ay nasa kalahatian lamang ng flagpole bilang pakikiisa sa National Day of Mourning sa pagkasawi ng 44 na tauhan ng Special Action Force.  May iba't ibang paraan na parangal ang ginawa para sa mga nasawi sa iba't ibang bahagi ng bansa.  Kuha ang larawan sa punong tanggapan ng PHP sa Campo Crame kaninang katanghalian.  (Melo M. Acuna)

TINANGKA ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na makiramay sa mga pamilya ng 44 na napaslang na pulis sa Maguindanao subalit karamihan umano'y 'di naantig kaya't 'di tinanggap ang medalya at plakeng ibinibigay bilang parangal.

Malamig ang pagtanggap sa papuri't parangal ni Pangulong Aquino sa negrological rites dahilan sa hindi niya pagpapakita sa pagsalubong kahapon sa Villamor Air Base.

Ani Pangulong Aquino, dama niya ang nadarama ng mga naulila sapagkat nawalan rin siya ng ama noong 1983. Pinasalamatan niya ang mga pulis sa kanilang kabayanihan subalit kahit na kinilala ang pag-aalay ng buhay, dismayado ang mga pulis at mga kamag-anak.

Tinanggihang tanggapin ni Rachel Sumbilla, balo ni PO3 John Lloyd Sumbilla ang medalya na ibinigay ni Pangulong Aquino at iniabot na lamang sa isang kamag-anak.

Nangangamba umano siyang matatabunan at malilimutan ang isyu sa dami ng problema ng pamahalaan, hindi niya batid kung kikilalaning prayoridad ito, dagdag pa ni Gng. Sumbilla. Ayon pa sa nabalo, nais ng kanyang esposo na mamatay sa laban.

Kasama ang nasawing si PO3 Sumbilla ng may 391 iba pang tauhan ng Special Action Force na nakahandang sumalakay sa kampo ng sinasabing teroristang si Zulkifly bin Hir na kilala sa pangalang Marwan. Nagapi ang mga pulis ng pinagsanib ng pwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Moro Islamic Liberation Front.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Aquino na napaslang si Marwan ng mga tauhan ng SAF samantalang darakpin si Usman.

Matapos ang kanyang talumpati, isang pulis ang nagsabing umaasa siya ng mas may lamang pahayag mula sa pangulo. Wala umanong maski isang pumalakpak.

Para sa isang ina ng napaslang na pulis, mahihirapan siyang magsalita subalit nararapat umanong managot ang nararapat managot. Nanangis ang ina at humiling na kailangan nila ng katarungan.

Hiniling ni Erica Pabalinas, balo ni Police Senior Inspector Ryan Pabalinas na magkaroon ng katarungan, hindi lamang para sa kanyang mister kungdi para sa lahat na nakipaglaban at napaslang.

Direktang nanawagan ang biyuda kay Pangulong Aquino na nakatingin lamang sa kanya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>