"Umaasa ang Tsina na igigiit ng mga may-kinalamang panig ang obdiyektibong atityud sa isyung pagpopondo ng Tsina sa Myanmar. Umaasa rin kaming pangangalagaan ng Myanmar ang lehitimong karapatan at interes ng mga bahay-kalakal na Tsino." Ito ang ipinahayag kahapon ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministring Komersyal ng Tsina bilang reaksyon sa dumaraming negatibong ulat mula sa mga bansang kanluranin tungkol sa pamumuhunan ng Tsina sa Myanmar.
Sinabi ni Shen na nagkokomplemento ang kabuhayan ng Tsina at Myanmar, at ang Tsina ay mahalagang pinanggagalingan ng pondong dayuhan sa Myanmar. Aniya, gumagawa ang mga bahay-kalakal na Tsino ng mahalagang papel sa pag-unlad ng Myanmar, kabilang ang konstruksyong pangkabuhayan, paghanap-buhay at pangongolekta ng buwis.
Umaasa rin aniya siyang isasabalikat ng mga bahay-kalakal na Tsino sa Myanmar ang responsibilidad na panlipunan, kabilang dito ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal, pagtalima sa regulasyon ng Myanmar, at pagbibigay-galang sa mga kaugalian ng mga residente sa lokalidad.