Kaugnay ng pananalita ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon hinggil sa balak na pag-aalis ng limitasyon sa paggamit ng sandatahang lakas ng bansa, ipinahayag kahapon ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Timog Korea, na dapat sundin ng pamahalaan ng Hapon ang saligang diwa ng mapayapang Konstitusyon ng bansang ito.
Sinabi rin ng nabanggit na tagapagsalita na patuloy na susubaybayan ng T.Korea ang usapin ng Hapon sa pagbabago ng mga patakarang pandepensa, at pagsususog ng umiiral na batas.
Salin: Liu Kai