|
||||||||
|
||
Sa taunang pagtitipon bilang pagdiriwang sa Chinese New Year at Pagpapalakas ng Kooperasyon sa pagitan ng Association of South Asian Nations (ASEAN) at Tsina, ginawaran ng parangal ang SM Prime Holdings at Guangxi Fit-Dragon Real Estate Development Co. Ltd.
10 kompanyang mula sa ASEAN na ginawaran ng parangal na "2014 Successful Enterprises Entering into China"
Ang parangal na ito ay bilang pagkilala sa mga kompanyang mula sa ASEAN na nakagawa ng importanteng kontribusyon sa pagpapasulong ng relasyong pang-ekonomiya at pangkultura, at pag-uunawaan ng mga mamamayan ng kani-kanilang mga bansa at Tsina.
Sa eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino kay Erlinda F. Basilio, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, ipinahayag niya ang kanyang kagalakan sa pagtatamo ng parangal ng dalawang Pilipinong kompanya.
"Ako ay natutuwa dahil kinilala ng CABC ang mga pagpupunyagi ng dalawang kompanyang Pilipino upang mapasulong ang negosyo sa pagitan ng Pilipinas at Tsina," dagdag ni Basilio.
Si Ambassador Erlinda F. Basilio sa eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino
Aniya pa, "ito ay isang magandang hakbang upang lalo pang pag-ibayuhin ng dalawang kompanyang Pilipino ang kanilang pagsisikap para lalo pa silang magtagumpay dito sa Tsina."
Kabilang sa mga kompanyang mula sa ASEAN na ginawaran ng parangal ay 4 na kompanya mula sa Singapore (Keppel Land China Ltd., Sembcorp Utilities, DBS Group, Singapore Airlines); 2 mula sa Thailand (Bangkok Bank Public Company Ltd at Shanghai Kinghill Ltd.); at 2 mula sa Malaysia (Sime Darby Berhad at Perfect Limited Beijing Office).
Ulat ni Rhio / Larawan ni Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |