Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

General Napeñas, pinagsabihang huwag munang mag-ulat

(GMT+08:00) 2015-02-10 15:26:23       CRI

SINABIHAN umano ni dating PNP Chief Director General Alan Purisima si Director Getulio Napeñas na huwag munang sabihan sina Secretary Mar Roxas at PNP Officer-In-Charge Deputy Director General Leonardo Espina. Sabihan na lamang umano kung naroon na sa Mamasapano ang mga pulis. Si General Purisima na rin makikipag-usap kay General (Gregorio Pio) Catapang, Jr.

Ito umano ang sinabi ni dating PNP Chief Purisima sa dating Special Action Force Commander Director Napeñas na ilihim muna ang operasyon laban kay Zulkifli bin Hir kina Secretary Roxas at PNP Officer-In-Charge Espina.

Sa pagtatanong ng senador, sinabi ni Napeñas na hindi niya kinilala ang mga pahayag ni Purisima bilang utos. Inakala niyang mga mungkahi ito. Siya umano ang may pananagutan sa operasyon.

Napaslang sa ilalim ng "Oplan Exodus" si Abdhir na kilala sa pangalang Marwan at kinabilangan din ng 44 na tauhan ng SAF. Idinagdag pa ni Napeñas na sinabihan siya ni Purisima na huwag sasabihan sina G. Roxas at Espina matapos dalhin ang kanilang balak kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III noong ika-siyam ng Enero.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>