Nanumpa kahapon si Rui Maria de Araujo, bagong halal na Punong Ministro ng East Timor
Nanumpa kahapon si Rui Maria de Araujo, bagong halal na Punong Ministro ng East Timor.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng panumpa, ipinangako ni de Araujo na priyoridad ng bagong pamahalaan ang interes ng mga mamamayan kumpara sa interes ng partido.
Ang 50 taong gulang na si de Araujo ay sumapi sa Revolutionary Front of Independent East Timor noong 2010. Nanungkulan siya bilang Ministro ng Kalusugan ng bansa. Kapalit siya ni Xanana Gusmao, dating punong ministro na nagbitiw nitong simula ng Pebrero.
Salin: Jade