Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

3 pagsabog sa Libya, 40 katao ang nasawi

(GMT+08:00) 2015-02-21 15:52:44       CRI
Naganap kahapon sa Al-Gubba, lunsod sa silangang Libya, ang tatlong car bombings na ikinamatay ng 40 katao, at ikinasugat ng maraming iba pa.

Ang naturang tatlong pagsabog na magkakahiwalay na naganap malapit sa punong himpilan ng lokal na departamentong panseguridad, tahanan ng ispiker ng Mababang Kapulungan ng Libya, at isang gas station. Umangkin ng responsibilidad ang Islamic State (IS) sa unang dalawang pagsabog, bilang paghihiganti sa air raid na isinagawa ng panig militar ng Libya sa kanila. Pero, hindi nilang binanggit ang iyong pagsabog sa gas station.

Pagkaraang maganap ang naturang mga pagsabog, sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinahayag ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang pagkondena sa mga ito. Ipinahayag din niya ang pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nabiktima at mga mamamayan ng Libya. Aniya pa, dapat lutasin ang krisis sa Libya sa lalong madaling panahon, para mapanumbalik ang kapayapaan at katatagan, at mabigyang-dagok ang terorismo.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>