Lumahok kahapon ang mga mataas na opisyal ng pamahalaan at mambabatas ng parliamento ng Hapon sa aktibidad na tinaguriang "Takeshima Day." Ito ay para ipahayag ang soberanya ng Hapon sa Takeshima Island, pinagtatalunang isla sa karagatan sa dakong silangan ng Korean Peninsula na tinatawag na Dokdo Island ng Timog Korea.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng pamahalaan ng T.Korea ang pagkondena hinggil dito. Sa pahayag na ipinalabas ng Ministring Panlabas, sinabi ng pamahalaan ng T.Korea na ang naturang aksyon ay nagpapakita ng pagbaluktot ng pamahalaan ng Hapon sa kasaysayan ng pananalakay sa Korean Peninsula. Anito pa, ito rin ay nagdulot ng pagdududa sa katapatan ng pamahalaan ng Hapon sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa.