|
||||||||
|
||
Ayon kay AFP chief of staff, General Gregorio Catapang, Jr. walang sinumang maituturo sa panig ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sapagkat lubhang malabo kung sino ang nag-utos ng pagsalakay.
Sa tanong ni Senador Loren Legarda, sinagot ni General Purisima na ang responsibilidad at pananagutan sa Oplan Exodus ay kanya. Ibinigay niya ang kapangyarihan sa director ng Special Action Force subalit ang pagbabalak, direksyon at kontrol ng operasyon ay na sa panig ng SAF subalit ang accountability ay sa kanya.
Sa panig ni Defense Secretary Voltaire Gazmin, naniniwala siyang pananagutan ito ni General Purisima. Para kay Interior Secretary Mar Roxas, si Purisima rin ang nararapat managot kasama si SAF Commander Director Getulio Napenas.
Sinabi ni Secretary Roxas na kahit pa isang payo o kautusan, mayroong pagtatangkang huwag sabihan ang officer-in-charge ng PNP at ang Secretary of Interior and Local Government.
Ayon kay Director Napenas, ang Oplan Exodus na kinatampukan niya bilang ground commander at kanyang responsibilidad. Subalit niliwanag niya na nagmula ang operasyon ng matanggap niya ang impormasyon mula kay Director General Purisima.
Layunin ng operasyon na madakip si Marwan, ang sinasabing international terrorist.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |