Bilang tugon sa pagpapahayag ng panig Amerikano ng pagkabahala sa mga proyekto ng konstruksyon ng Tsina sa South China Sea, ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang naturang mga proyekto ay isinasagawa ng Tsina sa sariling mga isla at karagatan. Ito aniya ay makatwiran at lehitimo, at walang karapatan ang ibang bansa na bumatikos hinggil dito.
Dagdag pa ni Hong, umaasa ang Tsina na tatalima ang panig Amerikano sa mga pangako, mag-iingat sa pagpapalabas ng pananalita, at gagawa ng mga bagay na makakabuti sa relasyong Sino-Amerikano at katatagan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai