Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinas, hinimok ng Tsina na manatiling makatwiran sa pagtutulungan ng 2 bansa sa national grid

(GMT+08:00) 2015-02-27 09:20:36       CRI

Hinimok kahapon ng Tsina ang pamalahalaan ng Pilipinas na manatiling makatwiran sa Chinese State Grid Corporation of China (SGCC), kompanyang Tsino na nag-ambag sa pagtatayo ng national power grid ng Pilipinas.

Winika nito ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa isang regular na preskon, bilang tugon sa naiulat na desisyon ng Pamahalaang Pilipino.

Sinabi kamakailan ni Jericho Petilla, Kalihim ng Enerhiya ng Pilipinas na ititigil ng pamahalaang Pilipino ang pakikipagtulungan ng SGCC sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), dahil sa pambansang panseguridad. Ang mga teknisyang Tsino na nagtatrabaho sa NGCP ay pauuwiin din sa Tsina, sa Hulyo ng taong ito. Pero, sinabi rin niyang magkakaroon pa rin ng 40% share ang SGCC sa NGCP.

Idinagdag ng tagapagsalitang Tsino na noong 2007, nag-bid ang SGCC at nakakuha ito ng 25 taong franchise ng national transmission grid.

Ipinagdiinan din ni Hong na masasabing malaki ang iniambag ng SGCC sa pambansang plano ng Pilipinas na isakatuparan ang self-sufficiency ng koryente ng bansa.

Umaasa aniya siya ang Tsina na hahawakan ng panig Pilipino ang isyung ito sa makatwiran at pantay na paraan para mapangalagaan ang interes ng nasabing kompanyang Tsino at makalikha ng paborableng kapaligirang pampuhunan para sa mga dayuhan.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>