Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nilagom ang mga gawain ng UNSC nitong Pebrero

(GMT+08:00) 2015-02-28 15:35:31       CRI
Sa news briefing na idinaos kahapon sa New York, bilang kasalukuyang tagapangulo ng UN Security Council (UNSC), nilagom ni Liu Jieyi, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, ang mga gawain ng UNSC sa buwang ito.

Sinabi ni Liu na sa buwang ito, idinaos ng UNSC ang 20 bukas na pulong at 15 saradong talakayan, kung saan sinuri ang mahigit 20 paksa hinggil sa kasalukuyang mga mainitang isyung pandaigdig, at pinagtibay ang 7 resolusyon at 2 pahayag.

Sinabi rin ni Liu na noong ika-23 ng buwang ito, sa pagtataguyod ng panig Tsino, idinaos ng UNSC ang isang bukas na debatehan na nilahukan ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, at mga kinatawan mula sa mahigit 80 kasaping bansa ng UN. Ayon kay Liu, narating sa debatehang ito ang komong palagay hinggil sa paggigiit sa UN Charter, at paghahanap ng mga mabisang paraan para pangalagaan ang kapayapaan at katiwasayan ng daigdig sa ilalim ng bagong kalagayan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>