|
||||||||
|
||
Binaril at pinatay kagabi, local time, sa Moscow, Rusya, si Boris Nemtsov, dating pangalawang punong ministro at lider ng paksyong oposisyon ng bansang ito.
Pagkaraang maganap ang insidente, sinabi ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na ipinakikita ng lahat ng mga palatandaan na ang pagpatay kay Nemtsov ay isang sinadya at may motibong kaso, at ito ay maliwanag na probokasyon.
Sa kasalukuyan, ini-iimbestigahan ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Rusya ang insidenteng ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |