Sa katatapos na pulong na idinaos ng United Nations Entity for Gender Equality and the Empowerment of Women (UN Women) sa Santiago, kabisera ng Chile, hiniling ng mga kalahok na kababaihang lider na kanselahin ang lahat ng mga umiiral na tadhana at batas na diskriminatoryo sa mga kababaihan at isakatuparan ang pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Dumalo sa pulong na ito ang mga babaeng lider sa pulitika, kabuhayan at kultura ng mahigit 60 bansa. Tinalakay nila ang mga karanasan hinggil sa pagsangkot ng mga babae sa mga isyung pulitikal at pagtatatag ng isang mas pantay na lipunan.
Nanawagan sila sa iba't ibang bansa na komprehensibong isakatuparan ang 12 masusing target na itinakda sa ika-4 na World Conference on Women noong 1995 sa Beijing, para bigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihan na makisangkot sa mga isyung pulitikal at aktuwal na pangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga kababaihan at kabataan.