Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Embahador Erlinda F. Basilio, nagtalumpati sa Porum ng Ika-3 CSA Expo at Ika-23 Kunming Fair

(GMT+08:00) 2015-03-03 11:37:31       CRI

Sa kanyang talumpati sa Porum ng Ika-3 China-South Asia (CSA) Expo at Ika-23 Kunming Import and Export Fair (Kunming Fair) na idinaos kagabi sa Beijing, sinabi ni Erlinda F. Basilio, Embahador ng Pilipinas sa Tsina, na ikinagagalak ng Pilipinas ang nakatakdang pagdaraos ng mga ito.

Venue ng Porum (photographer Rhio Zablan)

Ang Ika-3 China-South Asia (CSA) Expo at Ika-23 Kunming Import and Export Fair (Kunming Fair) ay gaganapin sa Kunming, kabisera ng probinsyang Yunnan sa dakong timog ng Tsina mula Ika-12 hanggang Ika-16 ng Hunyo, 2015.

Ani Basilio, may mahalagang papel sa pagpapataas ng relasyong pang-negosyo at pagpapahigpit sa bigkis ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina, Timog-silangang Asya at Timog Asya ang dalawang kaganapan.

Ang probinsyang Yunnan ng Tsina, ani Basilio, ay napakaimportanteng probinsya para sa Association of South East Asian Nations (ASEAN), dahil ito ang probinsya ng Tsina na malapit sa Timog-silangang Asya.

"Kami ay naniniwala, na ang Ika-3 CSA Expo at Ika-23 Kunming Fair ay ilan sa mga pinakamahalagang aktibidad na totohanang magbibigkis sa mga mamamayang Pilipino at Tsino sa pamamagitan ng pagpapalitang pang-negosyo at pang-kultura," anang embahador Pilipino.

Pinapurihan din ni Basilio, ang Ministri ng Komersyo ng Tsina at lokal na pamahalaan ng probinsyang Yunnan sa kanilang pagpupunyagi at pagtataguyod sa Ika-3 CSA Expo at Ika-23 Kunming Fair.

Ayon naman kay Fang Aiqing, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ang naturang dalawang kaganapan ay nakasentro sa temang "Amity, Sincerity, Mutual Benefit, and Inclusiveness for Win-win Cooperation."

Dagdag pa niya, gaganapin ang Ika-3 CSA Expo at Ika-23 Kunming Fair sa lugar na may lawak na 120,000 metro kuwadrado.

Ani Fang, itatayo sa Kunming Dianchi International Convention and Exhibition Center ang 12 exhibition hall at mga 6,000 exhibition booth para sa nasabing dalawang kaganapan.

Sinabi naman ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang Ika-3 CSA Expo at Ika-23 Kunming Fair ay magpapataas ng lebel relasyong pang-ekonomiya at pangkultura sa pagitan ng Tsina, Timog Asya at Timog-silangang Asya.

Maliban dito, ang mga naturang kaganapan ay magpapabuti ng episiyensya ng transaksyong offline to online, pagluluwas at pag-aangkat, pagpapalitang pang-kultura at diplomasya sa pagitan ng tatlong panig, dagdag pa ni Liu.

Ibinida naman ni Chen Hao, Gobernador ng probinsyang Yunnan ang mga bentahe at estratehikong posisyon ng kanyang probinsya sa pagpapataas ng pagpapalitang pang-ekonomiya at pangkultura sa pagitan ng Tsina, Timog Asya at Timog-silangang Asya.

Aniya, ang probinysang Yunnan ay nakahandang manguna at maging tulay upang maisakatuparan ang "One Belt, One Road" at 21st Century Maritime Silk Road" na iminungkahi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

Inimbitahan din niya ang lahat na sumali sa Ika-3 CSA Expo at Ika-23 Kunming Fair.

/wakas//rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>