Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagsisikap ng komunidad ng daigdig para sa krisis ng Ukraine, napapanatili

(GMT+08:00) 2015-03-03 12:26:42       CRI

Nag-usap kahapon sa Switzerland sina John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos at Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya hinggil sa isyu ng Ukraine at iba pa. Sinabi ni John Kerry na kasalukuyang nananatili ang sagupaan at patuloy na nagkakaroon ng kasuwalti ng buhay sa gawing silangan ng Ukraine. Aniya, kung hindi isasagawa ang tigil-putukan sa rehiyong ito, hindi totohanang maisasakatuparan ang nilalamang pampulitika sa New Minsk Agreement na narating noong Pebrero.

Sinabi naman ni Sergei Lavrov na ang nasabing nilagdaang kasunduan ay nagsisilbing nakitang bunga ng prosesong pangkapayapaan sa Ukraine. Aniya, sinuman na ipinagwalang-bahala ang naturang bunga at patuloy na nagbigay-sandata sa Ukraine ay dapat isabalikat ang responsibilidad sa pagsira sa prosesong pangkapayapaan ng bansa. Umaasa aniya siyang isasagawa ang reporma ng konstitusyon ng Ukraine para pangalagaan ang lehitimong karapatan at interes ng mga mamamayan sa silangan ng bansa.

Nang araw ring iyon, nagdiyalogo sa telepono ang mga lider ng Pransya, Alemanya, Rusya at Ukraine bilang tugon sa isyu ng Ukraine. Ayon sa kumunike na isinapubliko kahapon ng Palasyong Pampanguluhan ng Pransya, ipinalalagay ng apat na panig na kasabay ng pagsasagawa ng tigil-putukan sa ilalim ng superbisyon ng Organisasyong Panseguridad at Pangkooperasyon ng Europa, dapat nila pahigpitin ang ugnayan sa International Red Cross para pabilisin ang pagpapalaya ng nagsasagupaang panig ng mga bihag at pabutihin ang makataong kalagayan doon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>