Idinaos kahapon ng Timog Korea at Amerika ang magkasanib na pagsasanay na militar.
Bilang tugon, inilunsad ng Hilagang Korea ang dalawang short-range missiles. Ipinahayag ng Ministring Panlabas ng H.Korea na ang naturang pagsasanay ay aksyong probokatibo at gagawa ang H.Korea ng matinding na reaksyon.
Hinggil dito, sa regular na preskon kahapon, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinalalagay ng Tsina na ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula at Hilagang Silangang Asya ay angkop sa komong kapakanan ng iba't ibang kinauukulang panig, at ito rin ay komong responsibilidad nila. Kaya umaasa ang Tsina na magkakasamang magsisikap ang iba't ibang kinauukulang panig para pasulungin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah