Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sesyon ng CPPCC, binuksan; mga kinatawan, dumating

(GMT+08:00) 2015-03-03 17:11:35       CRI

Nakatakdang buksan ngayong hapon ang Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC. Sa susunod na 10 araw, magtatalakayan ang mga kinatawan hinggil sa mga simulain at patakaran hinggil sa pag-unlad sa kabuhayan at lipunan ng bansa, at mga maiinit na isyung pinahahalagahan ng mga mamamayan.

Ang taong ito ay masusing taon para sa komprehensibong pagpapalalim ng Tsina ng reporma, unang taon ng komprehensibong pagpapasulong sa pamamahala sa estado sa pamamagitan ng batas, at huling taon ng Ika-12 Five-Year Plan. Kaya, ang mga paksa ng mga kinatawan ay may kinalaman sa nasabing 3 larangan. Bukod dito, susubaybayan nila mula sa pambansang estratehiya hanggang sa mga maiinit na isyu ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, gaya ng konstruksyon ng "One Belt And One Road Initiative," Ika-13 Five-Year Plan, paglaban sa korupsyon, hanap-buhay, pagpapagamot, pag-aalaga ng mga matatanda, at iba pa.

Dumating kahapon sa Beijing ang mga kinatawan ng CPPCC. Kabilang dito si Yao Ming, big star ng Tsina at dating NBA basketball player.

Noong 2013, dumalaw si Yao Ming sa Pilipinas. Narito ang mga may kinalamang ulat hinggil dito:

http://filipino.cri.cn/301/2013/05/05/2s119711.htm
http://filipino.cri.cn/241/2013/05/07/101s119764.htm

Naglalarao si Yao Ming kasama ng mga batang Pilipino

Dumating naman kahapon ng hapon sa Beijing Conference Center si Mo Yan, kinatawan ng CPPCC sa larangan ng literature at unang manunulat na Tsino na nagkamit ang Nobel Prize for literature.

Photo source: CFP

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>