Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Taunang Sesyon ng CPPCC, binuksan

(GMT+08:00) 2015-03-03 17:33:13       CRI

Sa Beijing — Binuksan ngayong araw ang Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC). Dumalo rito ang mahigit 2,200 kagawad ng CPPCC para iharap ang mga mungkahi hinggil sa mga patakarang may kinalaman sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng bansa.

Sa ngalan ng pirmihang kagawad ng CPPCC, ginawa ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng CPPCC, ang Working Report. Ipinahayag niya na sa kasalukuyang taon, ibayo pang palalakasin ng CPPCC ang konstruksyon ng sistema, at patataasin ang kakayahan ng pagpapatupad ng tungkulin, para mas mabisang mapatingkad ang papel ng CPPCC at mapasulong ang modernisasyon ng sistema at kakayahang tagapagpamahala ng estado.

Sa working report, ipinahayag ni Yu na dapat patingkarin ang mahalagang papel ng CPPCC sa limang aspekto. Una, dapat tumpak na alamin ang diwa at katayuan ng CPPCC; ikalawa, dapat aktibong palawakin ang tsanel ng maayos na paglahok ng iba't-ibang sektor ng lipunan sa konsultasyon pulitikal; ikatlo, dapat pahalagahan ang paglilikha ng demokratikong atmospera ng konsultasyon pulitikal; ikaapat, dapat magsikap para mapataas ang bisa ng konsultasyon pulitikal; ikalima, dapat ibayo pang palakasin ang konstruksyon ng sistema ng demokratikong konsultasyon pulitikal.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>