Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Walang isusukong MILF sa pamahalaan

(GMT+08:00) 2015-03-03 18:07:27       CRI

NILIWANAG at pinanindigan ng Moro Islamic Liberation Front na hindi sila magsusuko ng kanilang mga tauhang nasangkot sa sagupaang naganap sa Mamasapano, Maguindanao noong nakalipas na Enero 25.

Ginawa ni MILF Chief Negotiatior Mohagher Iqbal ang pahayag sa isang panayam sa isang himpilan ng radyo (DZMM) kaninang umaga. Hindi umano bahagi ng kasunduan ang pagsusuko ng mga tauhan nila sa pamahalaan.

Ayon sa negosyador, may namatay sa pulisya, may namatay din sa kanilang hanay at nagtanong pa siya kung bakit ipinipilit ng pamahalaang isuko ang kanilang mga tauhan samantalang hindi ito bahagi ng kasunduan.

Hindi dapat sisihin ang MILF sa pagkasawi ng mga pulis sa sagupaan sapagkat nawalan din sila ng 18 katao. Nanindigan pa si G. Iqbal na wala silang kasalanan sapagkat pumasok ang mga pulis ng walang koordinasyon, armado kaya't nagkaroon ng sagupaan. Nanawagan siya sa mga mamamayan na suriin ang mas malawak at malaking larawan hinggil sa pangangailangan ng pagpapasa ng Bangsamoro Basic Law.

Ilang mambabatas na ang umatras sa pagsuporta sa panukalang batas. Naunang sinabi ng MILF na kung hindi maipapasa ang panukalang batas, lalong lalala ang kalagayan ng Mindanao.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>