Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbubukas ng klase sa Maguindanao, posibleng mabalam

(GMT+08:00) 2015-03-03 18:08:54       CRI

MALAKI ang posibilidad na mabalam ang pagbubukas ng klase sa Maguindanao dahil sa operasyon ng pamahalaan laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Sinabi ni ARMM Governor Mujiv Hataman na posibleng tumagal ang operasyon laban sa mga armado hanggang sa Hunyo.

Personal na pinamunuan ni Hataman at Asst. Secretary for Disaster Mitigation and Relief Operations Atty. Kirby Abdullah ang pagdadala ng sampung tonelada ng pagkain sa may 28,000 mga nagsilikas mula sa Mamasapano, Salibo, Datu Unsay at Datu Saudi sa pangambang mapagitna sa mga sagupaan.

Bantay-sarado ang mga tauhan ng Philippine Marine Corps mula sa Sulu ang nasa paligid ng Mamasapano upang mapigil ang mga tauhan ng BIFF na makabalik sa kanilang mga kinalalagyan noon.

Kontrolado na ng Philippine Army at Philippine Marines ang pinakamalaking kampo ng BIFF sa kanlurang bahagi ng Mamasapano. Dalawang pinuno ng BIFF, ang mga klerikong sina Tambako at Karialan ang naglagay ng mga bombang ginamit sa mga pananalakay sa Central Mindanao.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>