Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaang Aquino, magugunita sa mga nagawa sa Ekonomiya

(GMT+08:00) 2015-03-03 18:09:53       CRI

NANINIWALA si G. Guillermo "Bill" Luz, co-chair ng National Competitiveness Council na kumakatawan sa private sector na maganda ang nagawa ng Aquino Administration sa larangan ng Ekonomiya.

Sa isang exclusive interview, sinabi ni G. Luz na matapos maging mabagal sa simula, nakamtan ang average 6.+% growth rate sa bawat taon, nadoble ang Foreign Direct Investments sa halagang higit sa US$ 5 bilyon sa bawat taon, sa larangan ng exports tumaas mula sa US$ 40 bilyon at nakamtan ang US$ 60 bilyon at gumanda rin ang competitiveness ranking bilang most improved country sa apat na sunod na pag-uulat, gumanda rin ang credit ratings at natamo na ang investment grade. Bumaba na rin ang poverty rates mula sa 26% at nakarating na sa 24%.

Sa larangan social services, gumanda na ang sektor ng Edukasyon, mas lumawak ang benepisyo ng Conditional Cash Transfer at larangan ng Kapayapaan, malayo na ang narating ng Bangsamoro Peace Agreement at kung hindi naganap ang madugong sagupaan sa Mamasapano, hindi madaragdagan ang mga nagdududa sa proseso.

Sa likod ng mga pangyayaring ito, hindi nakapaghanda at nakapagpatupad ang administrasyon ng programa hinggil sa power sector. Hindi nagtagumpay ang pamahalaang makatawag-pansin ng mga mamumuhunan sa electric power sector. Isang masakit na katotohanan na sa pag-unlad ng ekonomiya, higit na mangangailangan ng mas maraming mapagkukunan ng kuryente para sa mga tanggapan, pagawaan at mga pabrika. Hindi napalaki ang reserve capacity. Kailangan pa rin ang mga pagawaing-bayan.

Sa panig ni G. Carlos Dominguez, nakasasalay ang pagiging competitive ng Pilipinas sa ilang mga bagay tulad ng resource allocation. Inihalimbawa niya na kung ang isang tao'y naninirahan sa lupaing madalas daanan ng bagyo, hindi kailanman magtatagumpay ang industriya ng saging. Pangalawa ang pangangailangan ng mga pagawaing bayan upang makarating sa takdang panahon ang mga produkto ng mga sakahan sa mga pamilihan. Kailangang magkaroon ng sapat na pautang sa mga mangangailangan ng kapital. Kailangan ng mga ari-ariang isasangla sa bangko upang makautang at hindi naman magamit ang mga lupain sapagkat saklaw ng Comprehensive Agrariana Reform.

Ipinaliwanag pa ni G. Dominguez, dating Presidential Assistant for Mindanao, na mas madaling makautang para sa pabahay kaysa sakahan. Sa Mindanao, mas malaki ang bilang ng mga mangangalakal sa mga sakahan at makakasabay sa mga produktong kailangan ng ibang bansa. Bukod sa likas na yaman ng Mindanao, maganda ang panahon sa kanilang mga sakahan.

Hindi nga lamang gumanda ang mga pagawaing-bayan mula ng manungkulan ang administrasyon ni Pangulong Corazon Cojuangco Aquino tulad ng mga lansangan at mga daungan. Isyu pa rin ang pangmatagalang pautang sa mga magsasaka at maylupa.

Bagama't maganda pa rin ang kalagayan ng peace and order sa mas maraming mga pook sa Mindanao, mayroong mangilan-ngilang nakakatawag-pansin kahit pa limitado ang mga ito. May pamilihang handang tumanggap ng mga produkto mula sa ibang bahagi ng Pilipinas. Kailangan lamang na magtulungan national at local leadership, at mas mahalaga ang mga pamahalaang lokal upang maganap ang kaunlaran sa kanilang nasasakupan.

Mahalaga ang pagkakaroon ng mga magagaling na punongbayan o punong lungsod tulad ng Davao na pinamumunuan ni Mayor Rodrigo Duterte, ay nakahuhubog ng kapaligirang kailangan ng kalakal tulad ng pagkakaroon ng seguridad, walang korupsyon o katiwalian, may mga pagawaing-bayan at madaling kausap.

Upang umunlad ang buong Mindanao, kailangang maging matatag ang kapayapaan. Para kay G. Dominguez, hindi setback sa peace process ang naganap sa Maguindanao kungdi sa pagtitiwala sa "peace partner" sapagkat hindi nabawasan ang layunin ng buong bansang maghari ang kapayapaan sa Mindanao at sa bansa subalit gumuho ang pagtitiwala ng marami sa panig ng Moro Islamic Liberation Front sapagkat masusuri kung ano ang naging pag-uugali ng magkabilang panig sa insidente noong ika-25 ng Enero sa Mamasapano. Nararapat lamang itong kilalanin at pagtangkaang maibalik ang uri ng pagtitiwala sa peace partner.

Hindi lamang nasa balikat ng pamahalaang pambansa at MILF ang pagbabalik ng pagtitiwala sa isa't isa. Nararapat lamang na kumilos din ang MILF upang maibalik ang pagtitiwala ng mga kalapit lalawigan at lungsod.

Mayroon nang taniman ng saging ang Del Monte sa Lambayong na 15 kilometro lamang ang layo sa Mamasapano. Isa umanong tahimik na bayan ang Mamasapano at nagkaroon lamang ng specific security situation at nagkaroon ng security operation na nauwi kakaibang reaksyon ng mga mamamayan sa pagkilos ng pulisya na nagwakas sa madugong sagupaan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>