Ayon sa ulat kahapon ng Ministri ng Turismo at Relikya ng Iraq, nilooban at winasak ng mga armadong tauhan ng Islamic State (IS) ang Hatra, lunsod sa hilagang Iraq na may mahigit 2 libong taong kasaysayan.
Inilakip noong 1985 ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang Hatra sa World Heritage List. Maraming relikya at napapanatiling guho ng mga arkitektura doon na may mahabang kasaysayan.
Kaugnay nito, nagpalabas ng pahayag nang araw ring iyon ang UNESCO na nagsasabing ang sinasadyang pagsira sa mga pamanang kultural ay krimeng pandigma. Kinondena naman ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN ang nabanggit na aksyon ng IS, at sinabi niyang ito ay pag-atake sa buong sangkatauhan.