Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kung kayo ay ipinanganak sa Taon ng Manok, narito ang inyong kapalaran sa taong ito

(GMT+08:00) 2015-03-09 15:57:10       CRI

Taon ng Manok: 1909,1921,1933,1945,1957,1969,1981,1993,2005

Ang Manok at Tupa ay mga hayop sa bukirin, at mayroon silang sariling teritoryo. Ayon sa 5 Elementong Teorya ng Tsina, ang Manok ay kabilang sa Female Metal, na may kaugnayan sa mga alahas, ginto, binhi, at bunga. Ang Tupa naman ay nabibilang sa Grupong Lupa. Ang Lupa ay may kaugnayan sa bukirin.

Ang mga ipinanganak sa Taon ng Manok ay kabilang sa grupong sinisimbolo ng alahas o ginto, samantalang ang mga Tupa naman ay sinisimbolo ng lupa. Ibig sabihin, kung magkikita ang dalawa, marurumihan ang alahas o ginto. Ito ay palatandaang di-puwedeng magkaroon ng relasyon ang mga Manok sa mga Tupa. Ang iba pang tanda ng mga Manok ay binhi o bunga, at sa Tupa naman ay sakahan. Kinakailangan ang mahabang oras para lumaki ang mga binhi. Kaya, ang Taon ng Tupa ay hindi magandang taon para sa mga taong ipinanganak sa Taon ng Manok. Ang inyong pamumuhay ay mangangailangan ng isang bagong paglalakbay at direksyon. At para rito, kailangan ng oras para sa paghahanda.

Karera: Ang Taon ng Tupa sa 2015 ay may lupa, kahoy, at apoy. Ang apoy ay palatandaan ng Career Star para sa mga ipinanganak sa Taon ng Manok. Kung naging mabuti ang iyong trabaho noong taong 2014, patuloy pa rin ito sa taong 2015. Kung mayroong maraming presyur sa iyong trabaho noong 2014, maaalis ang mga ito sa 2015. Kung makikita ninyo ang kahirapan sa trabaho, lilitaw ang isang tao para tulungan kayo sa paglutas sa mga kahirapan.

Ibibigay ng 2015 ang napakabuting pagkakataon ng trabaho para sa ninyo. Kaya, mayroong magandang pagkakataon sa taong ito, para ipakita ang talento ninyo sa trabaho.

Pera: Sa taong 2015, makikita ng mga ipinanganak sa Taon ng Manok ang maraming pagkakataon sa pagkuha ng pera. Ngunit, kailangan isaayos ang inyong estratehiyang pinansiyal, kung hindi, posibleng mawalan ng pera sa wakas.

Pag-ibig: Walang Love Star para sa mga ipinanganak sa taon ng Manok sa taong 2015. Kaya, magiging balanse ang relasyon ng pag-ibig sa taong ito. Sa pangkalahatang kalagayan, mas maganda ang love relationship ng lalaki kumpara sa babae.

Kaya, kung ikaw ay isang binata at naghahanap ng pag-ibig, dapat lumabas at magpunta sa mga aktibidad para makakita ng mas maraming pagkakataon.

Kung ikaw ay nasa isang relasyon o may-asawa, kailangang ibigay mo ang mas maraming atensyon sa damdamin ng inyong nobyo (nobya) o asawa.

Kalusugan: Ilang malas na Star ang dumarating sa taong 2015. Mas maganda kung mag-iingat sa nagmamaneho at umiwas sa mga sa mga mapanganib na lugar.

Sa taong ito, buong sikap na magtrabaho para mas marami ang maipon. Kung mananatili ng maraming oras sa trabaho, dapat alalahanin ang pagpapahinga. Dapat mag-ehersisyo.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>