Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinahayag kagabi ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations (UN) ang pagkapoot sa patuloy na pagsira ng "Islamic State (IS)" sa mga historic site ng Iraq. Nanawagan din siya para sa mabilis na pagtigil ng mga teroristikong aksyon.
Inulit ni Ban na ang sadyang pagsira sa mga pamanang kultural ng sangkatauhan ay itinuturing na war crime. Aniya, dapat parusahan ang mga may-kagagawan nito.
Bukod dito, magkakasunod na ipinalabas ng Pamahalaang Iraqi noong Biyernes at Sabado ang pahayag bilang pagkondena sa pagsira ng IS sa mga historic site na nasa lunsod ng Hatra at Nimrud sa probinsyang Nineveh ng Iraq.
Salin: Li Feng