Ayon sa pahayagang "Oriental Daily" kamakailan, kinumpirma ng Malaysia at Myanmar ang mga larangang pangkooperasyon ng dalawang bansa na gaya ng kalakalan, pamumuhunan, human resources, edukasyon, turismo, at kakayahang pansiyensiya't panteknolohiya. Sinang-ayunan ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na isaalang-alang ang mungkahing iniharap ni Pangulong Thein Sein ng Myanmar tungkol sa pagdaragdag ng flights sa pagitan ng Kuala Lumpur, Yangon at Mandalay.
Ipinahayag din ng Ministring Panlabas ng Malaysia na sinang-ayunan ng Malaysia at Myanmar na sa pamamagitan ng pagdadalawan sa iba't-ibang antas ng dalawang bansa, palakasin ang pag-uugnayan ng dalawang pamahalaan at kanilang mga mamamayan.
Salin: Li Feng