Mahilig ba kayong makinig sa huni ng mga ibon? Kaya ba ninyong piliin ang ibong may pinakamatamis na huni?
Nitong nagdaaang Linggo, sa Narathiwat lalawigan sa katimugan ng Thailand idinaos ang taunang bird-singing contest. Ilang daang ibon ang isinali sa tradisyunal na paligsahang ito, at di lang sila mula sa Thailand mayroon ding mga pambato ang Malaysia, Singapore at Indonesia.
Narito ang mga kuhang larawan habang idinadaos ang paligsahan sa taong ito. Sayang at nananatiling nakakulong sa hawla ang mga ibong ito, sa halip na malayang lumilipad at masayang humuhuni para sa inang kalikasan.
1 2