Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pinakamalaking solar plane sa daigdig, lumapag sa Tsina sa biyahe nito sa buong mundo

(GMT+08:00) 2015-03-31 13:21:11       CRI

CHONGQING, Tsina—Ang Solar Impulse 2 (Si2), pinakamalaking eroplanong pinaaandar sa pamamagitan ng enerhiya ng araw ay dumating ngayong madaling araw sa Chongqing, munisipalidad sa dakong timog-kanluran ng Tsina, ika-apat na hinto ng biyahe nito sa buong mundo.

Alas-1:35 ngayong umaga, ligtas na lumapag ang Si2 sa Chongqing Jiangbei International Airport makaraang lumipad mula sa Mandalay, Myanmar, ikatlong destinasyon ng eroplano.


Solar Impulse 2, tanging eroplano gamit ang enerhiyang araw sa daigdig habang lumilipad sa Mandalay International Airport ng Myanmar noong ika-30 ng Marso, 2015. Makikita sa harapan nito ang pamilar na hanay ng LED ng eroplano.

Sina Bertrand Piccard at André Borschberg ang imbentor at piloto ng eroplano. Ang layunin ng kanilang paglipad paikot ng mundo ay para mapasulong ang kamalayan ng mga tao hinggil sa renewable energy at pangangalaga sa kapaligiran.

Ganito ang komento ni Piccard sa kanilang biyahe: "There is a lot in front of us, a lot in front of us in terms of flying the plane, and in terms of meeting with people in different countries and promote our message about clean technology."

Inaasahan itong lilipad ng 35 libo hanggang 40 libong kilometro nang walang gamit na fossil fuel.

Pagkaraan ng pahinga nito sa Chongqing, ang eroplano ay lilipad patungong Nanjing, lunsod sa dakong silangan ng Tsina para sa maintenance bago ito tumawid sa Karagatang Pasipiko.

Nagsimula ang Si2 ang biyahe nito sa Abu Dhabi noong ika-9 ng Marso. Nakaiskedyul din itong huminto sa Estados Unidos, Hilagang Aprika o Timog Europa bago bumalik sa Abu Dhabi.

Nakatakdang tumagal ang biyahe ng limang buwan.

Photo source: CFP; CRI English

Taga-edit at taga-salin: Jade
Taga-pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>