Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Treasury Secretary ng Amerika, bumisita sa Tsina

(GMT+08:00) 2015-03-31 09:43:30       CRI

Sa magkahiwalay na okasyon, kinatagpo kahapon nina Premyer Li Keqiang at Pangalawang Ministro ng pananalapi Zhu Guangyao ng Tsina ang dumadalaw na Kalihim ng Pananalapi ng Amerika na si Jacob Lew.

Ipinahayag ni Zhu na ang kasalukuyang biyahe ni Jacob Lew ay naglalayong bigyang-preparasyon ang gagawing Strategic and Economic Dialogue ng Tsina at Amerika sa darating na Hunyo at dalaw na pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Amerika sa Setyembre.

Ipinahayag din ni Zhu na buong pagkakaisang ipinalalagay ng Tsina at Amerika na sa kasalukuyan, hindi pa lumitaw ang matatag at maliwanag na signal sa pag-ahon ng kabuhayang pangdaigdig, kaya, ang pagsasakatuparan ng koordinasyon ng Tsina at Amerika sa patakarang pangkabuhayan at kani-kanilang paglaki ng kabuhayan ay may mahalagang katuturan sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Sinabi ni Zhu na positibo ang Amerika sa pagtatatag ng Asian Infrastructure Investment Bank na itinaguyod ng Tsina at may pag-asa itong makikipagtulungan sa bangkong ito para pasulungin ang konstruksyon ng imprastruktura. Positibo aniya ang Amerika sa mas mahalagang papel ng Tsina sa mga suliraning pangkabuhayan ng daigdig.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>