|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bilang "Prinsipal ng Paaralan," lumahok kamakalawa sa pamamahala ngpaaralan, pagsuri sa pagtuturo ng mga guro ng klase, at pananaliksik sa pagtuturo si Lu Wei, isang estudyante.
Noong ika-27 ng buwang ito, para makalap ang pera para sa isang estudyante na may leukemia, idinaos ng Chengnan Elementary School ng Lunsod ng Wenzhou, Lalawigang Zhejiang, Tsina ang isang subasta. Si Lu Wei, Grade 5, ang nakakuha ng posisyon ng "Prinsipal ng Paaralan," gamit ang kanyang 510 Yuan RMB na lucky money. Sinabi ni Li Gongquan, tunay na prinsipal ng paaralan, na sa pamamagitan ng aktibidad na ito, lubos na nalalaman ng paaralan ang tunay na palagay ng mga estudyante at pinahihigpit ang relasyon ng mga estudyante at guro. Bukod dito, pinalalakas rin nila ang komprehensibong kakayahan ng mga estudyante.
Salin: Andrea


| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |